Wednesday, January 04, 2006

Isipan....

Matagal ko na itong iniisip... walang kwenta talaga yung pangalan ng section ng blog kong ito. "Ang Aking Buhay" wala talagang kwenta... kahit sino siguro kung makita ito, hindi na sila pupunta dito sa part ng blog ko. Mapalitan na nga, pero saka ko na iisipin kasi malapit na mga exams ko. Aral muna..

Binabasa ko rin kanina yung mga entries ko. Marami palang redundancies ang mga posts... kailangan matanggal na yun. Medyo pangit kasi yung dating. Kailangan straight forward lang yung mga post.

Gagawa pa nga pala ako ng bagong blog section. "Creative Writing" ang itatawag ko dito. Isa ko itong General Education (GE) subject ngayong sem. E bored ako magsulat kung hindi ko ilalagay sa blog, kaya ilalagay ko na lang para naman hindi ako mabored at mabasa ng lahat.

Tama na nga! Nagbreak lang ako sa pag-aaral ko. 3am na. May exam pa ako bukas ng 10am, pero first class ko 7am. Wala na siguro tulugan....

ZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzz............

2 Comments:

Blogger Unknown said...

first class 7am?! grabe naman

7:28 AM  
Blogger Josiah said...

grabe nga... hindi nga dapat ako kukuha ng class na yan pero kasi maganda yung topic niya at isa lang yung section ng class. entrepreneurship kasi yun e. gusto ko matuto at magbusiness...

5:00 AM  

Post a Comment

<< Home