Friday, December 30, 2005

Early Morning Shopping

Gumising ngayong araw na ito ang kamandag ng barakuda ng 6:45am. Bakit? Para mag grocery para sa media noche.

Ayaw pa sana gumising ng kamandag ng barakuda, kakatulog lang nito ng mga bandang 3am, ngunit wala itong magawa. Ginising ito ng nanay niya na tunay naman masmakamandag kaysa sa kanya.

Kailangan magmadali dahil 7am magbubukas ang grocery ng SM North ngayon araw na ito, at kung hindi pumunta ang makamandag na mag-ina, sigurado maiipit sila ng mga tao.

Dali-daling hinatak ang kamandag ng barakuda sa kanyang kama... wala nang ligo-ligo, sipilyo lang at hilamos ang katapat... diretso na sa SM North.

Pagdating ng SM North, ang kamandag ng barakuda ay kumuha ng cart at simula na maging sunud-sunuran sa kung saan man pumunta ang ina nito.

Ngunit ng makakita ang kamandag ng barakuda ng pringles, sabi niya sa sarili "Pasensya na masmakamandag na ina.." at walang pagaalinlangan sinunggaban nito ang pringles at tinago sa kailaliman ng mga nakuhang bilihin.

Nagpamukhang inosente ang kamandag ng barakuda sa kanyang ina. Sa bawat pagtingin ng nanay niya siya ay tumitingin sa malayo para hindi makita na siya'y may tinatago.

Natapos na ang pagkuha ng mga bibilhin ng ina. Diretso na sa kahera. Pagdating sa kahera, kwento ang kamandag ng barakuda sa kanyang ina para hindi mahalata na ito'y may pinuslit.

Ngunit nahuli ito ng ina. Nasindak ang kamandag ng barakuda sa nangyari. Wala na ito magawa. Lagot na. Lalabas na ang tunay na anyo ng masmakamandag na nanay nito.

Ikinagulat niya ang sumunod na nangyari. Dumaan lang ang pringles na nakita ng kanyang ina na parang wala lang yung dumaan. Nakahinga na ang kamandag ng barakuda.

Kakauwi palang ng kamandag ng barakuda ngayon... diretso ito sa computer para maikwento ang mga naganap.

Babalik na ulit ang kamandag ng barakuda sa kanyang tulugan.


HAPPY NEW YEAR!!!!

Walang Kwenta Bakasyon Ko!!!!

Wala talaga kwenta bakasyon ko!!!

Walang lakwatsa at wala ako ginawa... Dito lang sa bahay...

Bake ng cake, mag blog, at magpuyat sa kakachat.... Wala talagang kwenta!!!

Sana man lang nakapanood ako ng pyro olympics o kaya namasyal ako kahit dito lang sa loob ng metro manila.

AAAAAAAAHHHH!!! AYAW KO NG GANITO!!!

GUSTO KO LUMABAS!!!

Salamat nga pala dun sa boys night out kanila lew... Yun lang kasi yung labas na napuntahan ko. Saya rin, videoke tapos inuman sila, ako kasi hindi umiinom kaya videoke lang ako pati tsibog. Ibang storya ito.

Balik sa usapan... BULOK TALAGA ANG BAKASYON KO!!!

Balak ko pa manood ng sine... wala naman akong pera...

sana meron pa magyaya ng lakwatsa diyan...

Thursday, December 29, 2005

Pag-iisip para sa blog ko, Part I

Kanina pa ako hindi mapakali dahil parang may gusto pa akong gawin dito sa blog ko. Hindi lang pagsusulat. Parang gusto ko ilagay sa ibang pwesto yung tagboard ko, pero hindi ko alam kung saan ko gusto ilagay.

Naisip ko kanina na ilagay ko na lang siya dun sa may gilid dahil puti lang naman yung mga borders ko. Pero natigilan ako. Bakit? Hindi ko alam paano gawin iyon. Baguhan lang ako dito kaya marami pang mga katanungan pumapasok sa isipan ko kung paano ko ba aayusin ito.

Nag-visualize ako kung ano magiging itsura niya kung dun ko nga siya ilalagay.

Hindi ko gusto. Hindi ko rin alam kung bakit, pero ayaw ko na meron nakalagay dun sa puting border ng blog ko.... Basta ayaw ko. Kahit ako nagtataka.

Paano kaya kung itaas ko yung tagboard ko. Maganda kaya?

Hmmm... mukhang pwede...

Sandali lang, susubukan ko muna...

Hindi rin pala siya gaano maganda dahil nawawala na yung iba pang nakalista na blogs ko. Iniiwasan ko rin kasi hindi mawala sa mga mata ng tao yung My Blog. Mukha kasi inaamag na yung Ultimate Jeepney Experience, wala kasi masyado pumupunta. Malamang ito rin seksyon ng blog ko amagin din.

Kailangan baguhin ko na yung homepage ko para makita naman ng ibang mga tao ang mga entry sa dalawang inaamag at aamagin pa na seksyon ng blog ko.

Hirap pala maging blog addict. Gusto ko lang talaga magkwento sa mga tao, pero gusto ko rin maging organized ang lahat at mabasa ng mga tao ang lahat ng entry ko.

Isa pa sa mga iniisip ko kung paano ako mapapapunta yung mga tao dito sa blog ko.

ANG DAMING PROBLEMA!!! Ganito pala kung gusto mo maraming audience at makikita ng lahat ang mga pinaghirapan mo...

Dibali, mag-iisip na lang ako ng mga paraan para mag-enjoy kayo mga audience ko kahit kaunti palang kayo sa ngayon. Sana dumami pa kayo.