Friday, February 10, 2006

Pag-iisip Muli

Parang lagi na lang kapag sobrang nagsasaya ako hindi ko mapigilan ang sarili ko magbiro ng mga biro nakakatuwa sa nakararami pero sa isang tao o sa isang maliit na grupo ng tao nasasaktan ko.

Hindi ko na ilalagay kung ano yung pangyayaring iyon.

Napapa-isip lang ako kung ano nga ba talaga ang gagawin ko.

Kailangan ba tumahimik na lang ba ako o kailangan magpatuloy pa rin ako sa pagbibiro pero subukan na walang tamaan.

Kung tatahimik ako sigurado marami ang magtataka dahil hindi naman talaga ako tahimik na tao e. Parang maya't maya may sinasabi ako at maya't maya tumatawa ako. Sinubukan ko ito dati pero lubusan ang paghihirap ko sa pagpigil lang sa pagsagot sa mga tao.

Kung yung susubukan ko naman ay yung patuloy na magbiro pero subukan walang tamaan. Ganon na nga yung ginagawa ko, pero hindi pa rin. Madalas ko na itong ginagawa bago pa man tumungtong ako ng kolehiyo. Yan parati. Pero ito pa rin ako patuloy na may natatamaan na tao, pero hindi ko po ito sinasadya.

Hirap mag-isip talaga. Ano nga ba ang dapat kong gawin. Tumahimik o umiwas sa mga biro na nakakasakit.

Yung huli na nga lang, umiwas sa mga nakakasakit na biro. Kahit na matagal ko pa na itong ginagawa, kailangan magawa ko na siya. Matagal ko na nga siya ginagawa, ngayon pa ba ako susuko? Hindi no! Pati hindi masaya yung tumahimik na lang sa isang tabi. Mahirap yun. Maslalo na maingay pa man din ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home