Saturday, March 18, 2006

Acad-Mode

Anak ng tinapa!!! Sa lahat ng gawain sa buong mundo ang pinaka-ayaw ko ay ang academics.

Abala talaga ang academics para sa aking pagakyat ng bundok at iba iba pang mga gawain na gusto kong gawin.

Simula pa noong last month naka-acad mode na ako. Hindi na nga ako nakakapunta ng Power Up dahil sa dami ng aking inaaral.

Kailan kaya ito matitigil, kailan ko masisilayan ang bahaghari sa kalangitan na matagal ko ng hindi naaaninag.

Sana bukas na...

Isa pa sa nakakainis, ito nag-aaral na ako ng todo pero wala pa rin kasiguraduhan ang pagpasa ko sa mga subjects. Tulad na lang ng isa kong subject last sem. Nagbigay talaga ako ng oras para lang sa subject na iyon pero lagi na lang ako minamalas sa mga exams. Akala ko hindi kasama sa exam, kasama pala. Kaya bagsak. :(

Sana ngayong sem na ito wala akong ibagsak na subject, ayaw ko ng magkabagsak.

Friday, February 10, 2006

Pag-iisip Muli

Parang lagi na lang kapag sobrang nagsasaya ako hindi ko mapigilan ang sarili ko magbiro ng mga biro nakakatuwa sa nakararami pero sa isang tao o sa isang maliit na grupo ng tao nasasaktan ko.

Hindi ko na ilalagay kung ano yung pangyayaring iyon.

Napapa-isip lang ako kung ano nga ba talaga ang gagawin ko.

Kailangan ba tumahimik na lang ba ako o kailangan magpatuloy pa rin ako sa pagbibiro pero subukan na walang tamaan.

Kung tatahimik ako sigurado marami ang magtataka dahil hindi naman talaga ako tahimik na tao e. Parang maya't maya may sinasabi ako at maya't maya tumatawa ako. Sinubukan ko ito dati pero lubusan ang paghihirap ko sa pagpigil lang sa pagsagot sa mga tao.

Kung yung susubukan ko naman ay yung patuloy na magbiro pero subukan walang tamaan. Ganon na nga yung ginagawa ko, pero hindi pa rin. Madalas ko na itong ginagawa bago pa man tumungtong ako ng kolehiyo. Yan parati. Pero ito pa rin ako patuloy na may natatamaan na tao, pero hindi ko po ito sinasadya.

Hirap mag-isip talaga. Ano nga ba ang dapat kong gawin. Tumahimik o umiwas sa mga biro na nakakasakit.

Yung huli na nga lang, umiwas sa mga nakakasakit na biro. Kahit na matagal ko pa na itong ginagawa, kailangan magawa ko na siya. Matagal ko na nga siya ginagawa, ngayon pa ba ako susuko? Hindi no! Pati hindi masaya yung tumahimik na lang sa isang tabi. Mahirap yun. Maslalo na maingay pa man din ako.

Saturday, January 14, 2006

Writing

Hahaha! I've thought about something really great and stupid. I'm going to write something like a short series and I'll be posting it just here in my blog. (Trying hard maging writer)

Its going to be fiction. But before I'm going to write that series I must first read books that has great literary content on them. I mean they have great stories.

I just hope I don't copy their ideas because that will really suck.

Must read and write more to improve my vocabulary in this language you call english.

Friday, January 13, 2006

Understanding

I can't completely understand myself these days. I don't know what to write. I don't know what to do.

I finished writing a really sucky travel essay for my Creative Writing class and I'm afraid that my groupmates and I along with our teacher would slaughter my paper.

Problems with life has been occurring much...

Last monday my brother installed DotA in our computer and I now will declare that my semester is over. I'm getting addicted to it, mostly if I'm playing in the computer shop and fighting with someone I know.

Sorry about this english post. I need to be practicing my english for that class of ours. Need to know how write a really good paper before the semester ends or else there would be no doubt that I'm going to fail our class.

Wednesday, January 04, 2006

Isipan....

Matagal ko na itong iniisip... walang kwenta talaga yung pangalan ng section ng blog kong ito. "Ang Aking Buhay" wala talagang kwenta... kahit sino siguro kung makita ito, hindi na sila pupunta dito sa part ng blog ko. Mapalitan na nga, pero saka ko na iisipin kasi malapit na mga exams ko. Aral muna..

Binabasa ko rin kanina yung mga entries ko. Marami palang redundancies ang mga posts... kailangan matanggal na yun. Medyo pangit kasi yung dating. Kailangan straight forward lang yung mga post.

Gagawa pa nga pala ako ng bagong blog section. "Creative Writing" ang itatawag ko dito. Isa ko itong General Education (GE) subject ngayong sem. E bored ako magsulat kung hindi ko ilalagay sa blog, kaya ilalagay ko na lang para naman hindi ako mabored at mabasa ng lahat.

Tama na nga! Nagbreak lang ako sa pag-aaral ko. 3am na. May exam pa ako bukas ng 10am, pero first class ko 7am. Wala na siguro tulugan....

ZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzz............

Friday, December 30, 2005

Early Morning Shopping

Gumising ngayong araw na ito ang kamandag ng barakuda ng 6:45am. Bakit? Para mag grocery para sa media noche.

Ayaw pa sana gumising ng kamandag ng barakuda, kakatulog lang nito ng mga bandang 3am, ngunit wala itong magawa. Ginising ito ng nanay niya na tunay naman masmakamandag kaysa sa kanya.

Kailangan magmadali dahil 7am magbubukas ang grocery ng SM North ngayon araw na ito, at kung hindi pumunta ang makamandag na mag-ina, sigurado maiipit sila ng mga tao.

Dali-daling hinatak ang kamandag ng barakuda sa kanyang kama... wala nang ligo-ligo, sipilyo lang at hilamos ang katapat... diretso na sa SM North.

Pagdating ng SM North, ang kamandag ng barakuda ay kumuha ng cart at simula na maging sunud-sunuran sa kung saan man pumunta ang ina nito.

Ngunit ng makakita ang kamandag ng barakuda ng pringles, sabi niya sa sarili "Pasensya na masmakamandag na ina.." at walang pagaalinlangan sinunggaban nito ang pringles at tinago sa kailaliman ng mga nakuhang bilihin.

Nagpamukhang inosente ang kamandag ng barakuda sa kanyang ina. Sa bawat pagtingin ng nanay niya siya ay tumitingin sa malayo para hindi makita na siya'y may tinatago.

Natapos na ang pagkuha ng mga bibilhin ng ina. Diretso na sa kahera. Pagdating sa kahera, kwento ang kamandag ng barakuda sa kanyang ina para hindi mahalata na ito'y may pinuslit.

Ngunit nahuli ito ng ina. Nasindak ang kamandag ng barakuda sa nangyari. Wala na ito magawa. Lagot na. Lalabas na ang tunay na anyo ng masmakamandag na nanay nito.

Ikinagulat niya ang sumunod na nangyari. Dumaan lang ang pringles na nakita ng kanyang ina na parang wala lang yung dumaan. Nakahinga na ang kamandag ng barakuda.

Kakauwi palang ng kamandag ng barakuda ngayon... diretso ito sa computer para maikwento ang mga naganap.

Babalik na ulit ang kamandag ng barakuda sa kanyang tulugan.


HAPPY NEW YEAR!!!!

Walang Kwenta Bakasyon Ko!!!!

Wala talaga kwenta bakasyon ko!!!

Walang lakwatsa at wala ako ginawa... Dito lang sa bahay...

Bake ng cake, mag blog, at magpuyat sa kakachat.... Wala talagang kwenta!!!

Sana man lang nakapanood ako ng pyro olympics o kaya namasyal ako kahit dito lang sa loob ng metro manila.

AAAAAAAAHHHH!!! AYAW KO NG GANITO!!!

GUSTO KO LUMABAS!!!

Salamat nga pala dun sa boys night out kanila lew... Yun lang kasi yung labas na napuntahan ko. Saya rin, videoke tapos inuman sila, ako kasi hindi umiinom kaya videoke lang ako pati tsibog. Ibang storya ito.

Balik sa usapan... BULOK TALAGA ANG BAKASYON KO!!!

Balak ko pa manood ng sine... wala naman akong pera...

sana meron pa magyaya ng lakwatsa diyan...